Kwento ng pagmamahalan
Ang una nating pagtatagpo
ika-20 ng Setyember, 2022Nang hindi inaasahan, mga landas nati’y nagtagpo. Dapatwat tayong dalawa ay may iba’t ibang bersyon kung ano ang puno’t dahilan ng una naming paguusap. Law week nun, ika-20 ng Setyember, 2022, sa Olingan Sports Complex kung saan may laro ng basketball. Malim-lalim na ang gabi nun at hindi na gaanong marami ang tao. Ay basta, ang importante, nagka krus ang aming mga landas.